Mga kabombo! Ano ang magiging reaksyon mo kung ang isang bagay na binibili mo ay dati mo na palang pagmamay-ari?

Ito kasi ang nangyari sa isang owner ng assakyan sa England.

Ayon sa ulat, nabili umano ng isang lalaki ang kaniyang sariling sasakyan na ilang linggo nang nawawala!

--Ads--

Kinilala ang biktima na si Ewan Valentine, 36 anyos. Base sa kaniyang salaysay, nawala umano ang kaniyang sasakyan sa kanilang driveway. Dahil dito, agad niyang inireport sa pulisya at sa insurance company ang pagkawala ng kanyang sasakyan.

Habang naghahanap ng kapalit na sasakyan, nakatagpo si Valentine ng isang Honda Civic sa isang kilalang garage na nagbebenta ng mga second-hand na kotse. Parehong-pareho sa kanyang nawalang kotse — itim, parehong modelo, at may custom exhaust pa!

Dahil iba na ang plaka, mileage, at VIN number, hindi niya naisip na ito pala ang kanyang nawawalang sasakyan. Sa huli, napilitan siyang gumastos ng mahigit £20,000 para mabili ito.

Pero nang maiuwi na niya ang sasakyan, doon na nagsimula ang kanyang hinala. Napansin niya ang mga bagay na tila pamilyar: isang tent peg, mga pine needles, at balat ng candy na naalala niyang naiwan sa nawala niyang kotse.

Hindi pa diyan nagtapos! Nang buksan niya ang built-in GPS, nakita niya ang mga naka-save na lokasyon — bahay nila, bahay ng kanyang mga magulang, at bahay ng magulang ng kanyang girlfriend. Dito na niya nakumpirma na pagmamay-ari nga talaga niya ito.

Agad niyang inireport anang pangyayari at dito naniwala naman siya na biktima lang din ang isang garage seller.