Umabot na sa 35 katao ang nasawi habang mahigit 350 kaugnay na aksidente ang naitala bunsod ng malakas na snowstorm na patuloy na nananalasa sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Hannah Galvez, Bombo International News Correspondent sa Japan, ito’y dahil sa matinding pag-ulan ng niyebe, naantala ng humigit-kumulang isang oras ang operasyon ng ilang pampublikong transportasyon.

Apektado rin ang pagpasok sa trabaho, paaralan, at mga negosyo dahil sa matinding trapiko.

--Ads--

Dagdag pa rito ang ilan ding mga aktibidad at pampublikong kaganapan ang kinansela bilang pag-iingat sa kaligtasan ng publiko.

Sa kasalukuyan ani Galvez, inaasahan pa umano ng mga awtoridad na lalo pang lalala ang lagay ng panahon hanggang sa weekend.

Samantala, apektado rin ang nalalapit na general election sa Japan dahil sa masamang panahon.

Sa katunayan aniya ilan sa mga campaign materials tulad ng mga tarpaulin at placard ay natabunan na ng makapal na niyebe.

Gayunman, umaasa pa rin ang mga residente na makakaboto ang mga rehistradong botante sa darating na Linggo, kung magiging maayos ang sitwasyon.
Nauna na rito nauna nang nagpasya ang mga awtoridad na kanselahin ang cherry blossom festival ngayong taon kasunod ng biglaang pagdagsa ng mga turista sa bayan ng Fujiyoshida.

Kasunod ito sa pagbuhos ng mga turista sa bayan ng Fujiyoshida na nagresulta sa matinding trapiko at kalat.

Kung saan ilang mga residente ang nakaranas ng pagpasok ng mga turista o pagsira ng kanilang pribadong lugar.