Matagumpay na isinagawa ngayong araw ang 31st PNP Ethics Day Celebration sa Pangasinan Police Provincial Office (PPO) sa Lingayen Coumpound na pinangunahan ni Pcol. Rollyfer Capoquian – Provincial Director, Pangasinan PPO.

Ang programang ito ay may temang “Serbisyong may Integridad at Pananagutan tungo sa Ligtas at Mapayapang Pilipinas.”

Dumalo sa nasabing programa si Atty. Philip Raymund Rivera- NAPOLCOM R1, Provincial Officer for Pangasinan na siya ring nagsibi bilang panauhing pandangal at nag-iwan rin ng mensahe sa kapulisan patungkol sa kanilang ipinagdiriwang.

--Ads--

Samantala, nabigyan din ng parangal ang ilang kapulisan dahil sa nagawa nilang kabayanihan sa kapwa:

Mula sa Lingayen MPS na si Pcapt. Henry Catabay – Fast Police Response to Burning Motorcycle;

Mula sa San Jacinto MPS na si Plt. Celeste Cereno – Assisted a Woman who gave Birth inside the Mobile Patrol Car;

Mula sa Binalonan MPS na si Pcms Jocelyn Parocha – Extended Assistance to an Elderly Woman who has Found Wandering around the Town Plaza, Uncertain of her way Home;

Mula sa Task Force Baywalk na si Pssg Edselmear Gario – Rescued 2 Drowning Civilians at Binmaley Beach;

At mula sa 2nd Pangasinan PMFC na si Pssg Jennifer Reyes – Donated his Late Grandmother’s Wheelchair to a Differently Abled.

Sa kabilang banda, inihayag din ni Pcol. Capoquian ang kanilang mga naging aksyon at programa sa nakaraang pagsalubong ng bagong taon.

Nakapagtala ng 0-incident pagdating sa focus crimes at mayroon lamang isang insidente ng pagkalunod sa baybayin ng Binmaley.

May 4 na nagpunta rito upanag lumangoy sa dagat, 2 rito ay nailigtas, 1 ang nasawi, habang ang isa naman ay patuloy pa ring pinaghahanap.

Wala rin umanong natamaan ng ligaw na bala.

Malaking tulong aniya ang paggawa ng mga paran upang mabawasan o maiwasan ang mga firecracker related incidents.

Mahigit 10 insidente ang kanilang naitala habang ipinagdiriwang ang bagong taon at umabot naman sa mahigit 40 insidente naman nang matapos na ang selebresyon na kanilang hindi inasahan na biglang umakyat ang bilang kung kailan tapos na ang bagong taon.

Kaya naman sa susunod nilang paghahanda ay mga aksyon na rin sila pagkatapos ang selebrasyon ng bagong taon, hindi lamang bago at kasalukuyan.