Mga kabombo! Ano ang mamaramdaman mo kapag nakatanggap ka ng tawag mula sa kaibigan at sinabing mayroong nakitang obituary mo?

Ito kasi ang nangyari sa 39-anyos na babae na kinilalang si Faye Finaro, mula sa Nottingham, England, matapos na tawagan siya ng isang kaibigan at sinabing naka-post ito sa isang online magazine at nakalagay pa ang “Legacy” sa kaniyang kategorya.

Agad naman itong tinignan ni Faye, at dito na nga tunmambad ang naturang post sa obituary page nito.

--Ads--

May mga nagpadala na rin ng mga mensahe at mga bulaklak bilang simbolo ng kanilang pakikidalamhati sa kaniyang pamilya.

Si Faye ay founder, director, at CEO ng isang beauty business school.

Matapos nito, agad namang inaksyunan ni Faye ang nakita at ipinaalis ang obituary na nagtagal na sa loob ng 30 araw.