wildfire

Dagupan City – Umabot na sa 3 katao ang nasawi habang tinatayang 5,000 residente ang agad na inilikas mula sa kanilang mga tahanan matapos sumiklab ang matinding wildfire sa ilang bahagi ng bansang Spain.

Ayon kay Eva Tinaza, Bombo International News Correspondent sa Spain agad na nagsilikas ang libo-libong residente kaya marami ang nakaligtas. Ang mga naapektuhan ay pansamantalang dinala sa mga hotel at mga itinalagang evacuation facilities ng pamahalaan.

Bagamat malungkot ang sinapit ng mga nasawi na pawang mga Espanyol, sinabi ni Tinaza na naka-alerto naman ang mga awtoridad sa tuwing may ganitong mga insidente, dahil hindi na bago sa kanila ang mga naglalakihang wildfire—lalo na kapag dumarating ang panahon ng matinding init sa bansa.

--Ads--

Patuloy naman ang operasyon ng mga bumbero at emergency responders upang mapigilan ang pagkalat ng apoy, habang nananawagan ang mga opisyal sa publiko na manatiling alerto at sumunod sa mga alituntunin ng awtoridad.