DAGUPAN CITY–Tatlong magkakapitbahay ang tinamaan ng dengue sa barangay Songkoy sa bayan ng Calasiao Pangasinan.

Nakaranas ng mataas na lagnat at pananakit ng ulo ang mga biktima.

Bumagsak ang kanilang platelet count at nagkaroon ng pantal sa katawan.

--Ads--

Ang kanal sa harap ng kanilang bahay ang pinaniniwalaang pinamumugaran ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Nabatid na madalas na maitala ang kaso ng dengue sa sitio Totok.

Bilang tugon ay nagsagawa ng misting operation sa lugar.