90 percent nang handa ang national karatedo team na kinabibilangan ng tatlong atleta mula sa lungsod ng Dagupan na sasabak sa SEA games,
sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo kay Richard Lim, presidente ng Karate Pilipinas at competiton manager ng Organizing committee ng Sea games, sinabi nito na todo ensayo ang mga Pinoy at nagsanay pa sa ibang bansa.
Sina John Enrico Vasquez, Mark Andrew Manantan at Jayson Ramil Macaalay, pawang mga DagupeƱo ay determinadong makakuha ng gintong medalya sa SEA games sa larangan ng karate.
Sinabi ni Lim na kagagaling mula sa pagsasanay ng dalawang buwan sa Japan nina Vasquez at Manantan habang pabalik ng Maynila sa darating na Oktubre 30 si Macaalay kasama ang iba pang team na nagsanay rin sa Istanbul Turkey sa loob ng dalawang buwan.
Samantala, naniniwala si Lim na malaki rin ang tsansa ng mga Pinoy na makapasok sa Tokyo Olympics.
Sinabi ni Lim na pagkatapos ng sea games, papunta naman sila sa Olympics.
Target nilang makuha ang tamang exposure para mapabilang sa olympics.
Nabatid na noong atleta pa si Lim, naging gold medalist rin ito noong 1989 at 1991 SEA games at nanalo rin siya sa 1994 Asian games.