Mga Ka-bombo! Isa ka rin ba sa mga healthy living ang mga goals sa buhay?

Paano kaya kung masira ang iyong diet dahil sa isang paboritong inumin, ang malala, ito pa ang dahilan ng iyong pagkasawi!

Isang 28-anyos na guro kasi mula sa Florida ang pumanaw dahil sa atake sa puso matapos ang labis na pag-inom ng energy drinks at caffeine supplements.

--Ads--

Kinilala ito bilang si Katie Donnell ay nagsasanay sa gym araw-araw gamit ang caffeine supplements at tatlong energy drinks na may kasamang kape.

Ayon sa mga kaibigan ni Katie, bihira siyang makita na wala itong hawak na energy drink.

Isang araw, bigla na lamang bumagsak si Katie habang kasama ang mga kaibigan.

Akala ng mga ito ay stroke, ngunit heart attack pala.

Dahil sa sobrang tagal ng pagkawala ng oxygen, nagkaroon siya ng brain damage.

Sa kabila ng pagsubok na buhayin siya, pumanaw din siya matapos ang sampung araw sa komang estado.

Ayon sa mga eksperto, ang labis na caffeine ay maaaring magdulot ng mataas na presyon ng dugo at abnormal na tibok ng puso.

Bagamat ligtas ang hanggang 400 milligrams ng caffeine kada araw, ang labis ay maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan.