Wala ng buhay ang 27-taong gulang na lalaki matapos na matagpuan na nakahandusay sa tubig baha na hanggang tuhod ang kanyang katawan sa bahagi ng AB Fernendez Avenue, Brgy.1 dito sa lungsod ng Dagupan.

Ayon sa naging panayam kay PLT. Garry Ferraro ang Duty Officer sa Dagupan Police Station na base sa kanilang paunang imbestigasyon na naitala ang insidente alas dyes ng gabi kung saan nakita ni Christian Dela Torre Dela Cruz, 42 taong gulang, residente ng Brgy. Pantal sa syudad at isang parking boy sa lugar ang katawan ni Edmundo Orata Magno, 27 years old, at residente ng Brgy Pantal West, sa naturang lungsod na nakahandusay ito sa tubig at wala ng malay.

Sinubukan naman itong lapitan ng witness at iligtas ang biktima ngunit naramdaman niya ang electric current/ grounding sa tubig. Kung kaya’t agad na nakipag-ugnayan sa mga otoridad at agad na nakuha ang biktima sa tubig sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Managemeng Office at ng dalhin ito sa hospital ay idinekalarang patay na ang biktima.

--Ads--

Ayon naman sa findings ng mga doctor na posibleng naman din ito dahil sa fatal arrythmia secondary to electrocution.

Samantala, kaugnay din nito ay agad na nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng Dagupan Electric Corporation sa tatlong poste na naroon, kung saan ayon kay Atty. Randy castillan ang siyang Chief Operation Officer ng naturang opisina na nagmula naman ang grounded sa GI pipe street light at nilinaw nito na hindi ito sa kanila kaya naman nakipag-ugnayan sila sa Lokal na Pamahalaan ng syudad.

Nagbigay paalala naman sila sa publiko na maging maingat Lalo na at maraming pwedeng pagmulan ng mga energized na tubig baha.