BOMBO DAGUPAN – Pinaghahandaan na ng mga 24 brgy officials ng Bayan ng Calasiao, Pangasinan ang Seal of Good Local Governance Evaluation

Ayon kay municipal councilor Patrick Caramat, Liga ng mga Barangay President sa bayan ng Calasiao, maraming proyekto ang liga ng mga barangay sa kanilang bayan.

Kabilang dito ang mga paghahanda sa panahon ng tag ulan dahil sa tuwing sumasapit ang tag ulan ay isa ang bayan nila ang nalulubog sa baha.

--Ads--

Humiling umano siya ng tulong sa mga , para sanayin ang mga barangay tanod sa water and search and rescue at isinagawa rin ang river clean up drive.

Dagdag pa niya na nagpapatuloy ang barangay kalinisan na isinasagawa kada linggo upang malinis ang mga kanal at kapaligiran.

Aniya, hindi man mapigilan ang pagbaha, may posibilidad namang kayang ilayo sa pagkakasakit ang mga tao na makuha sa maruming tubig baha.