Dagupan City – Nasawi ang isang 24-anyos na lalaki matapos sumalpok ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang truck na nakaparada sa National Highway sa Brgy. Paldit sa bayan ng Sison.

Kinilala ang biktima bilang isang construction worker at residente sa parehong bayan.

Ayon sa report ng Sison Municipal Police Station (MPS), nakaparada ang truck sa outer lane ng northbound side ng National Highway nang biglang sumalpok sa likuran nito ang motorsiklo na minamaneho ng nasawi.

--Ads--

Agad namanan dinala sa ospital ang driver ng motorsiklo ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) habang ang driver naman ng truck ay hindi nasugatan.

Nagtamo ng malaking sira ang motorsiklo at kasalukuyang nasa kustodiya ng Sison MPS para sa karagdagang imbestigasyon at inaalam pa ang halaga ng pinsala.