Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang gagawin mo kapag ikaw ay na-brokenhearted?

Marami ngayon ang brokenhearted na nag-gloglow up, ngunit ibahin niyo ang nangayri sa isang Chinese guy na nakilala lang sa tawag na “Uncle” dahil sa pagiging brokenhearted.

Ayon sa ulat, si “uncle” ay naninirahan na ngayon sa kabundukan matapos mawasak ang kanyang puso.

--Ads--

Matapos kasi nang naghiwalay sila ng babaeng kanyang minamahal. Tinawag na siyang Uncle ng mga nakakakita sa kanya dahil inaakala ng mga ito na nasa 40s na siya?

Lumalabas din na sa kaniyang edad na 24, tila ba tumataas na rin ang kanyang hairline at kitang-kita ang wrinkles sa kanyang eye area.

Nang tanungin kung bakit parang nadoble o tumanda ang hitsura niya kumpara sa kanyang tunay na edad, sinabi nito na maaaring bumilis lang ang kanyang pagtanda at nagmukhang tito dahil sa sobrang exposure sa sikat ng araw sa kabundukan.

Si “uncle” ay dating seaman at nagtrabaho sa isang freight ship na bumibiyahe sa Southeast Asia. Ngunit nang ma brokenhearted, nagdesisyon na lamang siyang mamuhay sa bundok at lumayo sa sibilisasyon para malabanan ang kanyang nararamdamang depression.

Samantala, sa kabila ng kaniyang pagiging “iba” kinilala naman ito ng mga nitizens at tila ba’y madalas na rin siyang bisitahin ng media, social-media influencers, at curious onlookers’ para lang makiusyoso sa kanyang pamumuhay at tingnan ang naging pagbabago sa kanyang hitsura.