Mga kabombo! Naniniwala ba kayo sa kasabihang New Year, New me?

Eh paano kung kaakibat ng iyung pagiging “new me” ay ang kagustuhang maibalik ang “virginity”?

Ito kasi ang nais ng isang Brazilian influencer, kung saan upang maisakatuparan ang hangarin, kailangan niyang makaipon ng US19,000 o katumbas ng higit Php1Milyon upang sumailalim sa vaginal rejuvenation operation.

--Ads--

Kinilala ang influencer na si Ravena Hanniely, 23-anyos, at mayroong higit 267,000 followers sa social media platforms na tampok ang kaniyang mga larawan.

Paglilinaw naman ni Ravena, may special meaning ang layunin para sa kaniya, at hindi ito basta-basta proseso o srugery lamang kundi – sumisimbolo ito bilang panibagong simula ng kanyang personal and professional life.

Ang hymenoplasty, na tinatawag ding hymen repair, ay isang medical procedure kung saan tinatahi ng surgeon ang napunit na gilid ng hymen ng babae gamit ang dissolvable stitches. Sa ganitong paraan, mapupunit at magdurugo itong muli na parang sa first sexual encounter.

Paglilinaw naman ni Hana Salusollia, CEO ng London-based Medisonal Clinic, isang virtual doctor’s office na nag-o-offer ng access sa mga specialist physicians, bagaman at ang naturang procedure ay kinikilala bilang cosmetic surgery, mas symbolic lang aniya ito at hindi talagang naibabalik ang virginity ng isang babae.