Dagupan City – Mga kabombo! Ano ang kaya niyong gawin sa ngalan ng bakasyon?

Kakaiba kasi ang ginawang dahilan ng isang TikTok user dahil aniya, mayroon itong sakit kaya hindi ito makakapasok sa trabaho.

Kinilala ang user na ito na si Grace, 23-year-old at isang freelancer sa Europe.

--Ads--

Ayon kay Grace, nagpanggap itong may sakit dahil sa kagustuhang mamasyal at umuwi muna sa kanyang pamilya sa Bali, Indonesia.

Ang paalam ni Grace sa kanyang boss ay may appointment ito sa doktor dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Ngunit s akaniyang biyahe papunta sa nang Bali, doon niya nakita ang kaniyang boss na nagkataon namang madalas rin palang bumiyahe papuntang Bali.

Sa kabila naman ng tila awkward na sitwasyon, ibinahagi ni Grace na hindi naman nagalit sa kanya ang boss.

Ngunit pag-amin nito, hiyang-hiya siya dahil nabuking na nagsasakit-sakitan lang.