DAGUPAN CITY–23 bagong kaso, 2 nasawi, at 11 recoveries sa COVID-19 ang naitala sa Pangasinan ngayong araw ayon sa Provincial Health Office (PHO).

Ang panibagong 23 na aktibong kaso sa lalawigan ay kinabibilangan ng 6 na Asymptomatic mula sa Balungao: 22-taong gulang na babae, 30-taong gulang na babae, 35-taong gulang na babae, 15-taong gulang na babae, 41-taong gulang na lalaki, at 31-taong gulang na lalaki, habang nakaranas naman ng ubo at sipon ang 44-taong gulang na lalaki, at ubo ang 45-taong gulang na lalaki.

Wala ring naranasang sintomas ang 23-taong gulang na babae, at 37-taong gulang na lalaki, samantalang nakaramdam ng lagnat at pagkawala ng panlasa ang 47-taong gulang na babae, at ang 41-taong gulang na lalaki ay nakaramdam ng ubo at pangangati ng lalamunan, lahat ay taga-Rosales.

--Ads--

Asymptomatic ang 27-taong gulang na lalaki mula sa Bugallon, 23-taong gulang na lalaki mula sa Laoac, 58-taong gulang na lalaki mula sa Lingayen, at 46-taong gulang na babae mula sa Basista.

Nakaramdam naman ng lagnat at pananakit ng lalamunan ang 28-taong gulang na lalaki mula sa Sison, habang ang 19-taong gulang na babae mula sa Natividad ay nakaranas ng ubo at pananakit ng lalamunan.

Sa lungsod ng Dagupan, nakaranas ang 61-taong gulang na babae ng lagnat, panghihina ng katawan at pagkawala ng gana sa pagkain. Lagnat, ubo, pananakit ng lalamunan at sakit ng ulo ang naranasan ng 72-taong gulang na lalaki. Ang 53-taong gulang na babae ay nakaranas din ng lagnat, habang walang naramdaman ang 37-taong gulang na lalaki.

Namatay naman ang 69-taong gulang na babae mula sa Mangaldan, at 68-taong gulang na babae mula sa Urdaneta dahil sa COVID-19.

Sa kasalukuyan, 700 ang recoveries, habang 455 na pasyente ang nananatili sa ospital o Isolation Facility.

Sumatotal, 1,196 ang kumpirmadong kaso sa lalawigan kung saan 946 ay mula sa 44 na bayan at 3 siyudad ng Pangasinan, habang 250 mula sa Dagupan, isang independent-component city o chartered city.