Umakyat na sa 227 ang kumpirmadong patay sa gumuhong minahan sa Rubaya, Democratic Republic of Congo nitong Biyernes, Jan. 30.
Ayon sa isang survivor, mabilis ang pangyayari.
Tinangay siya ng lupa nang gumuho ang gilid ng bundok pero agad ding na-rescue.
--Ads--
Bumisita naman ang gobernador ng North Kivu at pinaalalahanan ang mga residente na maging mapagmatyag sa panganib ng pagmimina.
Ang Coltan o columbite-tantaline ay pinoproseso para maging tantalum, isang metal na ginagamit sa electronic gadgets.
Simula noong 2024, kontrolado ng M23 rebels ang mga minahan, at inakusahan sila ng United Nations ng pag-impose ng buwis sa pagmimina para sa sariling kapakinabangan.





