DAGUPAN CITY- Inilikas ang 223 residente sa Alaminos, dahil sa bantang dulot ng pagbaha.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Charlie Sebinpay, duty personnel ng Alaminos City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), kinumpirma niyang isinagawa ang forced evacuation sa lungsod dahil sa patuloy na pagbaha.
Aniya, aabot sa 223 katao ang inilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.
--Ads--
Apektado rin ang mahigit 10 barangay roads na hindi na madaanan bunsod ng mataas na tubig baha, na nagdudulot ng malaking abala sa mga residente at transportasyon.
Patuloy naman ang monitoring ng CDRRMO sa sitwasyon, habang pinaalalahanan ang publiko na manatiling alerto at makinig sa mga abiso mula sa mga awtoridad.