DAGUPAN CITY —       Patuloy parin ang paghahanap sa 22 anyos na magsasakang tinangay ng agos ng ilog sa Agno river sa Brgy San Gabriel 2nd sa bayan ng Bayambang.

        Ayon sa Bayambang PNP, kinilala ang biktima na si Jeric Soriano na residente rin ng nabanggit na lugar.

        Sa inisyal na imbestigasyon, napagalaman na matapos makipaginuman ng suspek ay nagpunta ito sa naturang lugar upang sanay maghugas lamang ng kaniyang paa.

--Ads--

        Ngunit dahil sa kalasingan nito ay nadulas ito at tinangay ng malakas na agos ng tubig sa ilog.

        Matapos makatanggap ng report, ang mga kasapi naman ng Bayambang Police Station ay agad nakipagugnayan sa MDRRMO Bayambang para sa search and retrieval operation. (With reports from Bombo Adrianne Suarez)