Mga kabombo! Ano ang mararamdaman mo kung makarinig ka ng sigaw at iyak sa liblib na lugar? Mangunguna ba ang takot o ang pagtuklas kung saan at ano nga ba ang tunog na iyun?
Ganito kasi ang nangyari sa isang gubat sa Thailand-Myanmar border kung saan ang inakalang iyak ng multo na ilang araw nang naririnig ay hindi pala galing sa multo-kundi sa totoong tao na nahulog sa abandonadong balon sa isang gubat sa Thailand-Myanmar border.
Ayon sa ulat, kinilala ang lalaki na si Liu Chuanyi, 22-anyos, at tatlong araw na palang na-stock sa isang balon sa nasabing gubat.
Hanggang sa may isang nakarinig umano mula sa kalapit na gubat na hindi masyadong pinupuntahan ng mga tao.
Agad niya itong itinawag at agad ding nagpadala ang mga awtoridad ng team na binubuo ng mga pulis at rescue personnel sa naturang gubat para mag-imbestiga.
Dito na natagpuan ng rescuers ang Chinese man na siya palang pinagmumulan ng ingay na parang panaghoy ng multo. Gumamit sila ng megaphones at hinanap kung saan galing ang panaghoy. Inabot naman ng 30 minuto bago naiahon ng mga rescuers si Liu.
Dito na rin nakita na Fractured na ang kaliwang kamay niya at may mga putok din sa ulo at mga galos sa buong katawan. Matapos lapatan ng pangunang lunas ay agad itong dinala sa ospital.
Ikinuwento naman ng mga residenteng nakatira malapit sa gubat na nakaririnig sila ng mga kakatwang panaghoy tatlong araw na ang nakalilipas. Mas malakas umano ang mga pag-iyak lalo na kung gabi.
Hindi nila nauunawaan ang atungal dahil ibang lengguwahe. Inakala rin ng mga residente na ang paghingi ni Liu ng tulong ay ingay na likha ng multo kaya iniwasan nilang lumabas ng bahay pag gabi.
Wala ring naglakas ng loob na hanapin kung saan nagmumula ang mga pag-iyak. Hanggang sa may nakaisip na ipagbigay-alam sa pulisya ang kakatwang pag-iyakâna nagresulta sa pagkaka-rescue kay Liu.