BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang 22 anyos na lalaki matapos itong tamaan ng kidlat sa bayan ng Bolinao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCAPT. Jayson Orilla DCOP, Bolinao PNP na namasyal lamang sa bahay ng kanyang pamangkin ang biktima kung saan siya ay nagmula pa sa bayan ng Sual.
Nagpasya nga ito na bumili ng sigarilyo ngunit hindi pa nakakalayo, pagdating sa gitna ng bukid ay bumuhos ang malakas na ulan na may kasamang pagkidlat at pagkulog. Tinamaan nga ito ng kidlat dahilan ng kanyang pagkasawi.
Kinilala ang biktima na si Roland Millamina binata at isang magsasaka.
Matapos ang insidente ay agad siyang nirescue at tinakbo sa Bolinao Community Hospital ngunit ideneklara na dead on arrival.
Samantala, hindi nga taon-taon na may naitatalang ganitong insidente sa nasabing bayan ngunit ani Orilla ay iwasang manatili sa mga open spaces katulad ng bukid tuwing kumikidlat. Dagdag pa niya dapat ay magtungo agad sa ligtas na lugar gaya ng bahay o matibay na istruktura.