DAGUPAN CITY- Wala ng buhay nang matagpuan na palutang lutang sa dagat ang isang 22-taong gulang na babae sa bayan ng Villasis.

Ayon kay PMAJ Edgar Allan Serquiña, Officer-in-Charge ng Villasis Municipal Police Station, bandang alas-4:40 ng hapon nang makatanggap ang kanilang himpilan ng tawag mula sa isang kapitan ng Barangay Amamperez, sa naturang bayan na mayroong natagpuang bangkay sa isang palaisdaan sa likurang bahagi ng lugar.

At base sa kanilang nakalap na impormasyon, natuklasan na bandang alas-12:00 ng madaling araw ay nakipag-inuman ang biktima kasama ang kanyang bayaw at mga kaibigan sa kanilang bahay.

--Ads--

Matapos nito, lumabas ang biktima upang bumili sa isang sari-sari store ngunit hindi na bumalik. Bandang alas-4:27 ng hapon ng parehong araw, natuklasan ng kapatid ng biktima ang kanyang kapatid na wala nang buhay at lumulutang sa palaisdaan malapit sa lugar.

Ayon naman sa medical result dahil sa matinding kalasingan ang dahilan ng pagkalunod ng biktima at walang Nakita na foul play sa insidente.