Dagupan City – Ipinakilala na kamakailan ng Pamahalaang Panlungsod ng Alaminos ang 21 kandidata ng Miss Hundred Islands 2026 – North Central Luzon sa Don Leopoldo Sison Convention Center.
Dumalo sa programa ang mga opisyal at kawani, gayundin ang mga tagasuporta ng mga kandidata na nagmula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa North Central Luzon.
Bitbit ng bawat kandidata ang dangal at karangalan ng kanilang pinanggalingang komunidad habang pormal silang ipinresenta sa publiko.
Layunin ng patimpalak na itaguyod hindi lamang ang kagandahan kundi pati ang kultura, turismo, at pagkakaisa ng rehiyon, lalo na ang Hundred Islands bilang pangunahing destinasyon ng lungsod ng Alaminos.
Inaasahang magsisilbing mga ambassadress ng turismo at kultura ang mga kandidata habang nagpapatuloy ang mga aktibidad patungo sa coronation night ng Miss Hundred Islands 2026.










