Hinalay ng sariling tiyuhin ang 21 anyos na dalaga mula sa bayan ng Calasiao, Pangasinan.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng bombo radyo Dagupan, nangyari ang panghahalay noong nakatira pa ang biktima sa bahay ng kanyang lola.

Nasa anim na taon na daw siyang ginagahasa ng kanyang tiyuhin.

--Ads--

Inampon daw siya noong sampung taong gulang pa lang siya at kasama niyang nakatira doon ang kanyang tiyuhin.

Nailigtas ang biktima sa tulong ng MSWD at barangay Council.

Natrauma ang biktima at halos hindi gaanong makapagsalita dahil sa pangyayari.

Napag-alaman na isasailalim muna sa counselling ang biktima bago siya  tuluyang ibigay sa kustodiya ng  kanyang ina.