Hindi bababa sa 20 katao ang nasawi habang nasugatan naman ang 30 iba pa kabilang ang 5 mga bata sa magdamag na missile at drone attacks ng Russia sa eastern city ng Dobropillia sa Donetsk region at Kharkiv.
Walo na mga residential na gusali at isang administratibong gusali ang napinsala sa mga pag-atake sa Dobropillya, Donetsk.
Ito ay kasunod ng pahayag ni US President Donald Trump na “matinding isinasaalang-alang” niya ang malawakang sanksyon at taripa laban sa Russia, na aniya ay “absolutely pounding'” ang Ukraine sa larangan ng digmaan.
Pinatigil naman ng US ang access ng Ukraine sa satellite imagery at inantala ang military at intelligence aid.
Patuloy na tinatarget ng Ukraine ang Russia, at sinabi ng Russian defence ministry na nakuha nila ang 31 drone na ipinadala ng Ukraine nang magdamag.
Gayunpaman, ayon sa security correspondent na si Frank Gardner, ang banta ng mga taripa mula sa US ay hindi gaanong makaka-apekto kay Vladimir Putin.