Hindi bababa sa 20 katao ang nasawi sa pag-atake ng Israel sa isang ospital sa Gaza Strip, kabilang na rito ang 5 mamamahayag na mula sa Reuters, Associated Press, Al Jazeera, at iba pa.
Ayon sa mga opisyal ng ospital at ilang mga saksi, dalawang beses tinamaan ng pag-atake ang kanilang lugar, sa Khan Younis, na siyang ikinasawi ng mga mamamahayag at pati na rin ang mga rescue workers at medics na nagmamadaling pumunta sa pinangyarihan.
Kinilala naman ang mga nasawing mamamahayag na sina Mariam Abu Dagga, freelance para sa Associated Press at iba pang outlets; Mohammed Salama ng AlJazeera; Moaz Abu Taha, isa rin freelance journalist na nagtatrabaho sa ilang news organisations; at si Ahmed Abu Aziz.
Nasawi rin ang cameraman ng Reuters na si Hussam al-Masri, kung saan malapit ito sa kanilang live broadcasting position nang mangyari ang pag-atake.
Ayon sa Israel Defense Forces na mula sa hepe ng general staff ang kautusang pag-atake.