Umaabot sa 20 bata at tatlong guro ang nasawi matapos bumangga at magliyab ang isang bus na naghahatid ng mga estudyante pabalik mula sa isang school trip sa hilaga ng Thailand.

Ang mga video mula sa pinangyarihan ng aksidente ay nagpapakita ng nagliliyab na bus na nilalamon ng apoy habang makapal na itim na usok ang bumalot sa kalangitan.

Sumuko na ang driver ng bus sa mga pulis

--Ads--

Ayon sa mga saksi, bumangga ang bus sa konkretong harang na naghahati sa highway sa hilaga ng Bangkok matapos pumutok ang gulong sa unahan.

Agad na nilamon ng matinding apoy ang bus, at marami sa mga sakay nito ang hindi nakalabas. Hindi pa matukoy ang sanhi ng sunog.

Nasa labing-siyam na bata at tatlong guro ang nakaligtas, at labing-anim sa kanila ang kasalukuyang ginagamot sa ospital dahil sa kanilang mga pinsala.