Nasawi ang isang 20-anyos na drayber ng motorsiklo matapos matumba sa kalsada at maguluhan sa likurang bahagi ng isang trak sa kalsada ng Barangay Ambunao sa bayan ng Calasiao dito sa lalawigan ng Pangasinan.
Nangyari ang insidente habang minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo at sabay itinutulak gamit ang paa ang isa pang motorsiklo na umano’y naubusan ng gasolina.
Batay sa pulisya, habang binabaybay nito ang bahagi ng kalsada nawalan ito ng kontrol sa kanyang sasakyan kaya natumba ito sa gitna ng kalsada.
Bukod sa pagkatumba, nagulungan pa ito ng kasunod na trak kaya nagkaroon ng matinding tama sa katawan na nagresulta ng kanyang pagkasawi.
Naisugod naman ito sa ospital pero hindi na naagapan dahil ideneklara na itong dead on arrival.
Dinala naman sa himpilan ng pulisya ang mga drayber ng trak at ibang motorsiklo para sumailalim sa karagdagang imbestigasyon at matukoy ang iba pang detalye kaugnay sa pangyayari.
Muling nagpaalala ang kapulisan sa mga motorista na iwasan ang mapanganib na gawain tulad ng pagtulak ng ibang sasakyan habang nagmamaneho.
Pinayuhan din ang publiko na tiyakin ang maayos na kondisyon ng kanilang mga sasakyan at sundin ang mga patakaran sa kalsada upang maiwasan ang mga trahedyang maaaring magbuwis ng buhay.










