Dagupan City – ‎Matapos ang dalawang linggong pagkaantala dahil sa sunod-sunod na bagyo, habagat, at pansamantalang suspensyon ng trabaho sa gobyerno, muling isinagawa ngayong Lunes, Agosto 4, ang regular na flag raising ceremony ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan.

Sa nasabing pagtitipon, inilahad ni Mayor Bona Fe de Vera-Parayno ang naging resulta ng dalawang linggong relief operations ng LGU para sa mga residenteng naapektuhan ng matinding pagbaha at masamang panahon.

Sa kabila ng mga hamon gaya ng kakulangan sa suplay ng relief goods sa mga kalapit na grocery at malls — bunsod ng sabayang pagbili ng ibang LGUs — naiparating pa rin ang tulong sa mga nangangailangang barangay.

Naging posible ito sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pamahalaan, donors, at mga partner organizations.

Ayon sa LGU, patuloy pa rin ang pagbabantay at pagtugon sa mga natitirang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

Bahagi ito ng mas malawak na adhikain ng bayan ng Mangaldan na matiyak ang mabilis na pagbangon at sapat na suporta sa mga residente sa panahon ng kalamidad.

Ang lokal na pamahalaan ay nananatiling naka-alerto at bukas sa pakikipag-ugnayan para sa patuloy na serbisyo at proteksyon ng mamamayan.

--Ads--