Nahuli ang 2 wanted person sa bayan ng Bautista dahil sa paglabag sa lights threats at 2 counts ng malicious mischief.

Ayon kay PLt. Jonathan B. Ramos, Deputy Chief of Police, Bautista PNP sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan sakanya ay nauugnay sa paninira ng mga gamit at pananakot sa kanilang barangay ang kaso ng dalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Ali De Luna De Guzman, 39 taong gulang, may asawa, high school graduate, tricycle driver at Jojo Autria Ramos, 45 taong gulang, binata, high school undergraduate, construction worker at parehas na residente ng Zone VI sa bayan ng Bayambang.

--Ads--

Agad namang nakapagpiyensa ang mga akusado kaya’t kasalukuyan na silang nakalaya.

Samantala, patuloy namang pina-iigting ang midnight watch campaign para sa seguridad ng bawat establisyemento na kanilang nasasakupan para maiwasan ang anumang insidente.

Nananawagan din siya na maging responsable sa pagmamaneho at huwag iinom ng alak kapag magmamaneho ng anumang sasakyan.