DAGUPAN CITY- Arestado na ang dalawang suspek sa tila Oceans 11 na Louvre Heist sa Paris, France.

Ayon kay Vladelyte Vladez, Bombo International News Correspondent sa nasabing bansa, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, sa pamamagitan ng DNA sample ay natukoy ang isang suspek habang ang isa naman ay sinusubukang makaalis ng bansa at nahuli sa airport.

Aniya, patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam kung bahagi ba ang mga ito sa isang large-scale syndicate.

--Ads--

Gayunpaman, hanggang sa ngayon ay wala pang naibabalik sa mga ninakaw.

Ikinakatakot ng mga awtoridad na mababa ang tsansa na maibalik ang mga ito dahil sa maaaring tutunawin ang mga ito ay kukunin lamang ang mga mamahaling bato.

Bagay na amwawala ang historical value nito lalo na’t bahagi ito ng french patrimomy, ang identidad ng bansa.

Samantala, hindi pa isinasapubliko ang kabuoang detalye upang hindi makaapekto sa imbestigasyon at maging sa mga tao.

Balik naman sa normal ang operasyon sa Louvre Museum at hindi lamang ipinapalapit ang publiko sa bahaging pinangyarihan ng nakawan.