Dalawang mambabatas mula sa party-list ang nagbitiw sa kanilang puwesto sa Kamara de Representantes nitong Lunes.

Ito na ang pinakahuling serye ng pag resign sa mababang kapulungan kasunod ng pagbaba sa pwesto ng isang kongresista na iniuugnay sa bilyun-bilyong pisong anomalya sa flood control.

Sa isinagawang plenary session, inihayag ni Zamboanga del Sur Rep. Jeyzel Victoria Yu na natanggap na ng kapulungan ang mga liham ng pagbibitiw nina 1Tahanan Party-list Rep. Nathaniel Oducado at Pinoy Workers Party-list Rep. Franz Vincent Legazpi.

--Ads--

Kasunod nito, pormal niyang inihain ang mosyon na tanggalin na ang dalawa sa opisyal na talaan ng mga miyembro ng Kamara.