BOMBO DAGUPAN- Sugatan ang 2 mangingisda ng Pilipinas matapos sumabog ang engine ng kanilang fishing boat malapit sa Bajo de Masinloc kahapon lamang.

Ayon sa Philippine Coast Guard, lumubog din ang banka ng mga ito matapos sumabog ang engine nito.

Nagpadala naman ng rescue team ang PCG upang isalba ang mga mangingisda at binigyan ang mga ito ng medikal na atensyon.

--Ads--

Samantala, namataan din umano ang 2 Chinese vessel sa naturang insidente.