Arestado ang dalawang lalaki matapos managa ng isang 27-anyos na lalaki sa Brgy. Concordia, sa bayan ng Bolinao.
Ayon sa Bolinao pnp ang biktima ay kinilala bilang si Michael La Torre married at residente ng Brgy Concordia, sa nabanggit na bayan habang ang mga suspek naman ay kinilala bilang sina Jason Caacbay 23 anyos, at Nelson Ramoram, 41 anyos, at parehong residente ng Brgy Arnedo, sa bayan ng Bolinao.
Ayon sa imbestigasyon ng mga kapulisan, nangyare ang pananaga nang ang dalawang suspek ay nanghamon at tinatawagang ang biktima sa labas ng kaniyang bahay.
Nang lumabas naman ang biktima upang kausapin ang mga ito ay inilabas ni Ramoram ang kaniyang cal. 38 na baril subalit sinubukan itong awatin ng kapitbahay ng biktima.
Ngunit hindi naman napigilan si Caacbay nang inilabas niya ang kaniyang bolo upang tagain ang biktima ng ilang beses.
Bilang resulta nagtamo ng mga sugat ang biktima sa ibat ibang bahagi ng katawan nito at dinala ito sa Bolinao Community Hospital para sa kaniyang pagpapagamot.
Matagumpay naman na nahuli ang mga suspek ng mga rumespondeng kapulisan at narecover mula sa pangangalaga ni Caacbay ang kaniyang ginamit na bladed weapon at kay Ramoran naman ay ang isang cal 38 na may 6 live ammunitions at dinala ang mga ito sa Bolinao PS para sa maayos na desposisyon. // Report of Bombo Adrianne Suarez