Dalawang kandidato ang humabol na nagfile ng substitution sa Comelec Pangasinan.

Ayon kay Atty. Marino Salas, ang Provincial Election Supervisor, ng Comelec Pangasinan sa kabuan ay mayroong tatlong kandidatong nagfile nito at ito ay sina Ramon Bautista para sa board member ng 4th Dist.; Atty. Gerarld Gubatan para sa 4th Dist, at Ranjit Shahani sa Dist 6.

Sa ngayon naman ay patuloy ang pagfifinalize ng listahan ng substitution sa ibat ibang bayan sa lalawigan.

--Ads--

Naging mapayapa at walang ding untoward insident sa deadline nito ngayong Nobyembre kinse.

Pagdating naman sa pangangampanya ng mga kandidato ay nilinaw ni Atty Salas na wala pang authority ang mga ito sa mga kandidato dahil wala pang campaign period na magsisimula naman sa buwan ng pebrero sa national elections at sa local elections naman ay sa buwan ng Marso.

Atty. Marino Salas, Provincial Election Supervisor

Sa ngayon naman ay busy ang mga ito sa paghahanda ng listahan ng mga botante at inaasahan na matatapos na ang final list nito sa buwan ng Disyembre.