Dagupan City – Nahaharap sa kasong Violation of Article 178 of the Revised Penal Code dahil sa paggamit ng huwad na pangalan at pagkubli ng tunay na pagkakakilanlan ang dalawang indibidwal matapos maaresto ng kapulisan sa bayan ng Villasis.
Kinilala ang mga suspek na isang 44 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, at 41 taong gulang, walang asawa, walang trabaho, parehong residente sa bayan g Sta. Barbara habang ang naging biktima ay ng mga ito ay isang 38 -anyos, may asawa, online seller, at residente sa Villasis.
Ayon sa ulat, nagtungo ang biktima sa Villasis Municipal Police Station (MPS) upang ireklamo na ang kanyang National ID at pagkakakilanlan ay ginamit ng mga suspek sa panghihingi ng pera para sa diumano’y tulong medikal.
Agad na rumesponde ang mga tauhan ng Villasis MPS, kasama ang biktima, at pinuntahan ang kinaroroonan ng mga suspek sa Villasis Legislative Building.
Naaktuhan ang mga suspek na nanghihingi ng pera mula sa mga miyembro ng Sangguniang Bayan.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang mga sumusunod gaya ng National ID ng biktima, Medical Certificate ng biktima, Barangay Indigency ng biktima, Iba’t ibang ID, pera na nagkakahalaga ng Php1,795.00 at Iba pang dokumento
Kasalukuyang naman nang nasa kustodiya ng Villasis MPS ang mga suspek upang harapin ang kanilang kaso habang patuloy pa naman ang imbestigasyon dito upang matukoy kung may iba pang indibidwal na sangkot sa nasabing panloloko.