BOMBO RADYO DAGUPAN- Nakumpiska ang nagkakahalagang P340k na hinihinalang shabu mataps maaresto ang 2 high value target sa ciudad ng Urdaneta matapos magsagawa ng buybust operation ang Philippine Drug Enforcement Agency Pangasinan katuwang ang Urdaneta City PNP.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Richie Camacho, Provincial Officer ng PDEA Pangasinan, umaabot naman sa 15 gramo ang nakumpiskang hininalang droga mula sa 2 suspek.

Napag alaman naman na sa Pangasinan lamang nagbebenta ang lalaking suspek na siyang pangunahing target ng operasyon habang sa Sta. Mesa, Manila naman ang kasamahang babae nito na siyang pinagmumulan naman ng hinihinalang shabu. Iniimbestigahan pa din aniya nila kung saan pang mga lugar sila nagbebenta ng illegal na droga.

--Ads--

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa ng PDEA Pangasinan ang mga nasabing suspek habang hinihintay ang order mula sa isinampang kaso laban sa kanila.

Samantala, umabot naman na sa 24 barangay at 2 munisipalidad ang opisyal na ginawaran ng drug-cleared certificate.

Kabilang na dito ang bayan ng Manaoag, Pozorrubio, San Quintin, Infanta, Bautista, Agno, at San Carlos.

Aniya, ang mga nasabing munisipalidad ay ang mga dumaan sa deliberasyon noong Nobyembre-Disyembre noong nakaraang taon.