‎‎Arestado ang dalawang lalaking itinuturing ng pulisya bilang high value individuals sa isang buy-bust operation na ikinasa pasado alas dos madaling-araw ng Martes Disyembre 30, 2025, sa Barangay Bonuan Binloc, Dagupan City.

‎Ayon kay PCOL Orlky Pagaduan, City Director ng DCPO, matagal nang minamanmanan ang mga suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga sa lugar.

‎Kinilala ng mga awtoridad ang mga naarestong suspek na kapwa residente sa bayan ng Tayug

‎‎Tumanggi ang dalawang suspek na magbigay ng opisyal na panayam sa harap ng camera.

Gayunman, sa naging pahayag ng isa sakanila, iginiit niya na wala raw siyang kinalaman sa laman ng bag na iniabot sa kanila at itinanggi ang anumang partisipasyon sa bentahan ng ilegal na droga.

‎nakumpiska mula sakanila ang apat na heat-sealed transparent plastic sachets na naglalaman ng puting kristal na hinihinalang shabu. Ang mga ito ay may kabuuang timbang na 70 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng 476,000 piso batay sa standard drug price.

‎Dinala ang mga suspek at ang nakumpiskang ebidensya sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at paghahain ng kaukulang kaso na posibleng maharap sa RA 9165 o ang comprehensive dangerous drugs act of 2002

‎Patuloy ang panawagan ng mga awtoridad sa publiko na makipagtulungan at magbigay ng impormasyon upang higit pang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga.

--Ads--