DAGUPAN CITY- Dalawang court security officers ang nasaksak habang nagsasagawa ng screening sa metal detectors ng Manhattan Criminal Courthouse.
Ayon sa ulat ng mga awtoridad, nasugatan sa mukha ang isang court officer habang sa leeg naman ang tinamong sugat ng isa pa.
Agad silang dinala sa isang lokal na ospital at kasalukuyang nasa stable na kondisyon.
Sa pahayag ni Al Baker, tagapagsalita ng state courts, sinabi niyang, agad namang rumesponde ang ilang Court Officers, pinigilan ang salarin malapit sa mga magnetometer, inalisan ng armas, at inaresto.
Dagdag pa ni Baker, nakuhanan ng surveillance video ang insidente na inilarawan niyang isang “targeted attack” o sinadyang pag-atake.
Patuloy rin ang imbestigasyon kaugnay ng insidente, ayon sa mga opisyal ng korte.