DAGUPAN CITY–Sasampahan ng kaukulang kaso ang dalawang Chinese Nationals at Limang Pilipino na naaresto sa isinagawang raid sa isang warehouse sa barangay Bacag, Villasis matapos mapag-alamang gumagawa ng mga pekeng BIR o internal revenue stamps na inilalagay sa mga pekeng sigarilyo.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Pol. Major Fernando Fernandez Jr . – OIC Chief of Police ng Villasis PNP sinabi nito na falsification of public documents ang tiyak na isasampa laban sa mga ito bukod pa sa posibleng ikaso sakanila ng mga kumpanya ng sigarilyo na ginaya ang packaging.

Idagdag pa aniya sa kasong maaring isampa sakanila ng Bureau of Internal revenue sa mga nakita nilang paglabag.

--Ads--

Bukod sa mga nahuli, may 2 pang Chine Nationals ang at large sa ngayon na kanilang pinaghahanap na kasama rin sa sasampahan nila ng kaso.

Nauna rito sa ekslusibo ring panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PNP Provincial Director Police Col. Redrico Maranan, sinabi nito na hindi pa nila isiniwalat ang pagkakakilanlan ng mga naarestong Chinese dahil hindi pa nila ito nakakausap at hinihintay pa ang kanilang interpreter.

Nabatid na ang Limang Pilipino na nahuling nagtratrabado doon ay mula sa Dapitan, Mindanao.

Base sa pagtatanong inihayag sa mga ito na nirecruit silang magtrabaho sa lugar at pinangakuang sasahod ng P400 kada araw.