Dagupan City – Patuloy na binabantayan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Manaoag ang mga mabababang lugar dahil sa patuloy na malakas na ulan dala ng Bagyong Crising.

Naka-Signal Number 1 pa rin ang bayan ng Manaoag at ang ibang bahagi ng lalawigan, kaya inaasahang magpapatuloy ang malakas na ulan.

Ayon kay Carlito Hernando, pinuno ng MDRRMO Manaoag, binabantayan nila ang mga barangay na madalas tamaan ng pagbaha, lalo na ang Nalsian at Inamotan, kapag tumaas ang tubig sa ilog.

--Ads--

Nasa normal pa ang lebel ng tubig kahapon, ngunit pinaigting na nila ang pagbabantay upang agad na makapagbigay ng babala sa mga residente.

Naka-handa na rin ang mga relief goods kasama ang MSWDO, gayundin ang mga evacuation centers.

Naka-alerto na rin ang mga rescue teams at kagamitan para sa agarang pagresponde sa bawat barangay.

Patuloy ang koordinasyon ng MDRRMO sa mga barangay officials at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa mas epektibong pagtugon sa sitwasyon.

Samantala, onaasahang magpapatuloy pa ang pag-ulan sa mga susunod na araw kaya nananatili ang alerto ng MDRRMO at pinapayuhan ang publiko na maging handa at mag-ingat.