BOMBO DAGUPAN- Muntikan nang makapagtala ng Guinness World Record ang isang 19 taon gulang na binata sa Santa Cruz, California matapos nitong makagawa ng pinakamalayong ‘bike surfing’ o ang pagtayo sa bisekleta habang umaandar ito kung saan naka-apak ang paa sa upuan at manibela, subalit hindi ito tinanggap ng Guiness.
Si Brock Johnson ay isang myembro ng Santa Cruz Maniacs bike crew. Napagpasyahan niyang ipagpatuloy ang makakuha ng record sa pinakamalayong pag-bike surfing matapos nitong matutunan ito ay magawa sa layong 262 feet.
Ang pinakabest record ni Johnson ay ang humigit 656 feet.
Ang tanging goal lamang ni Johnson ang maabot ang 100 meyers o 328 feet subalit nadoble pa aniya ito at naabot ang 200 meters o 656 feet.
Nakipag-usap si Johnson sa Guinness Book of World Records para sa kaniyang record subalit para sa Guinness, umabot lamang siya ng 80 meters o 262 feet.
Isinumite pa rin ni Johnson ang ebidensya niyang makakapagpatunay ng kaniyang record para makamit ang official certification ng Guinness World Records.