DAGUPAN CITY– Tinatayang 17,000 halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska mula sa isang bagong tukoy na drug personality sa isinagawang buy bust operation sa siyidad ng Alaminos City Pangasinan.

Natukoy ang drug personality na si Noralizah Pakunum, 23 anyos na residente ng Brgy, Pocal-pocal, Alaminos City.

Nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek ang ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng tauhan ng Alaminos City PS , Regional Intelligence Division PRO1, PIU PANG PPO, Special Operations Unit1 PNP Drug Enforcement Group at Provincial Drug Enforcement Unit.

--Ads--

May bigat na 2.5 gramo ang nakuhang isang pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu mula sa drug suspect.

Narekober din ang 8,000 na boodle money na ginamit bilang buy bust money at iba pang paraphernalias na ginamit ng suspek sa pakikipag-transaksyon.

Dinala na sa himpilan ng Alaminos ang suspek at mga nakumpiskang gamit para sa maayos na disposisyon.

Kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act ang isasampa laban sa naarestong suspek.