Nasa kabuuang 172 na bilang ng mga kapulisan mula sa Dagupan Police Station ang nakahandang magbantay sa iba’t ibang mga pook pasyalan, simbahan, bus terminals at iba pang mga lugar na posibleng dagsain ng mga turista ngayong semana Santa.

Ayon sa panayam kay Pltcol Brendon Palisoc ang syang Chief of Police ng Dagupan PNP na maaga pa lamang ay nagsimula na silang maglatag ng mga police assistance desk na may nakalagay na Ligtas Sumvac 2025 sa mga pampublikong lugar para sa magiging kaagapay at katuwang ng publiko sa kanilang paglalakbay at pagbisita sa mga lugar na kanilang pupuntahan.

Aniya na katuwang ang POSO Dagupan, City Disaster Risk Reduction Management Office, force multipliers, EOD, swat team at iba pang mga law enforcement personnel sa pagpapatupad ng mga seguridad. Kanilang titiyakin na magiging maayos at ligtas ang semana santa ngayong taon.

--Ads--

Bukod dito ay magsasagawa rin ng inspeksyon sa mga bus terminal ang pangasinan police provincial office na pinamumunuan ni Pcol. Rollyfer Capoquian, ang provincial director ng tanggapan, kasama sina Regional Director, Police Brigader General Lou Evangelista ng Police Regional Office 1 at ang Dagupan PNP upang matiyak ang mga bbyaheng pampublikong sasakyan at gayundin ang kaligtasan ng mga byahero.

Isa rin sa kanilang tinututykan ngayon ay ang magsaysay fish market dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili.

Kaya naman maigting ang kanilang pagpapatupad ng seguridad para maiwasan na makapagtala ng iba’t ibang klaseng krimen at insidente sa syudad.