DAGUPAN CTY– Isang 15 anyos na dalagita ang ginahasa ng tatlong lalaking nakainuman niya kabilang ang isang menor de edad sa barangay Puelay sa bayan ng Villasis.

Ayon sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Dagupan, nagkakayayaan ang tatlo at ang biktima sa inuman. Nangyari umano ang panggagahasa sa bahay ng isa sa mga suspek.

Naaresto naman ang mga suspek matapos ang ginawang hotpursuit operation ng otoridad.

--Ads--

Itinanggi naman ng isa sa mga suspek ang paratang.

Disidido naman ang biktima na magsampa ng kaso laban sa mga suspek.