Patay ang isang 14 anyos na binatilyo matapos magulongan ng dumptruck sa national highway ng barangay Camantilis sa lungsod ng Urdaneta.
Ayon sa initial na imbestigasyon ng pulisya, natumba habang nagbibisiklita ang biktima na si Dwayne Justin Fiesta makaraang makadaan sa lubak na kalsada.
Sakto naman na paparating ang dumptruck kaya nagulungan ang biktima .
--Ads--
Agad na dinala sa ospital ang biktima subalit deneklarang dead on arrival.
Hindi naman kumbinsido ang kaanak ng biktima sa imbestigasyon ng pulisya at sila ay naniniwalang sinadyang sinasagasaan ang biktima.
Ayon naman sa driber ng truck, hindi na niya nakayanan na makapagpreno dahil sa lapit ng distansya nito sa biktima.