Mga kabombo! Nasa 20’s ka pa lang ba pero parang pagod ka na sa trabaho?
Baka ito na ang chance para mainspire?! Paano ba naman kasi, isang 100-year-old na lola sa Kentucky, piniling magtrabaho pa rin?
Napa-wow! ang nitizens sa isang lolang kinilalang si JoCleta Wilson, matapos na piniling magpatuloy na magtrabaho bilang cashier sa outlet ng Home Depot sa Louisville, Kentucky.
And wait, there’s more! Dahil, kaya pa nitong makapagmaneho ng kanyang sasakyan sa pagpasok at pag-uwi mula sa trabaho.
Ayon sa ulat, si lola ay isang professional dancer at businesswoman, ngunit sa kabila nito, hindi nawala sa kaniya ang pagtuklas pa ng ibang career kaya’t nakapasok siya sa isang Home Depot.
Sa kaniyang rabaho, pumapasok siya ng dalawang araw lang—mula 6:00 AM hanggang 10:00 AM—sa loob ng isang linggo ang kanyang duty sa store.
At dahil nga sa kanyang pagiging energetic, maraming customers ang nag-aakalang wala pang 100 years old si JoCleta.
Sa kabila nito, inamin naman niya na tatlong beses na siyang nagretiro sa magkakaibang pagkakataon.
Natuklasan niyang mas masaya siya kapag nagtatrabaho at tiningnan niya ito bilang tiyansa para makisalamuha sa mga tao at makipag-usap sa mga customers.
Bukod sa pagda-drive papasok sa trabaho, siya rin ang nagmamaneho ng kanyang kotse kapag magsa-shopping.
Dagdag pa ang kaniyang kakayahang sumayaw! Dahil ayon sa mga manonood nito, kung magsayaw umano siya sa dance floor ay para lang siyang 39 o 40 years old.