Nakatakdang tumanggap ang 100 estudyante mula sa Bayambang Polytechnic College ng P4,350.

Ang mga estudyanteng ito ay ang mga bagong batch ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD).

Ang TUPAD ay isang programa ng gobyerno ng Pilipinas na naglalayong magbigay ng pansamantalang trabaho at kabuhayan sa mga manggagawang naapektuhan ng mga krisis.

--Ads--

Kasama ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Public Employment Service Office o PESO-Bayambang, kanilang isinagawa ang pagmomonitor at pagbibigay ng mga cash assitance para sa mga benepisyaryo mula BPC.

Ang mga bagong batch ng benepisyaryo ng TUPAD sa nasabing bayan ay pinondohan ng Office of the Vice-President.

Samantala, ang mga interesadong indibidwal ay dapat magsumite ng aplikasyon sa DOLE o sa mga lokal na tanggapan nito at ang mga napili naman ay makakakuha ng trabaho sa loob ng ilang linggo, at makakatanggap ng wage subsidies.

Kagaya na lamang ng mga estudyante mula sa Bayambang Polytechnic College, kinakailangan muna nilang maglilinis ng sampung araw at nakatakda silang tumanggap ng P4,350 bawat isa pagkatapos ng kanilang trabaho.

Kaya naman nagbigay ito ng oportunidad para sa mga indibidwal na makatulong sa pagpapabuti ng mga lokal na komunidad.