Pormal nang inilabas ng Malacañang ang isang Executive Order na nagtatakda ng ₱50 price cap sa imported rice, bilang hakbang upang mapigilan ang pagtaas ng inflation at mapanatiling abot-kaya ang presyo ng bigas.
Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang naturang polisiya kasunod ng tumitinding tensyon sa Middle East na nakaapekto sa pandaigdigang presyo ng langis at pagkain.
Ayon sa Malacañang, inatasan din ang Department of Agriculture na agarang tugunan ang rice inflation matapos maitala ang 13.7% na pagtaas ng presyo ng bigas noong Abril.
Samantala, nakatakdang muling magpulong sa Mayo 19 ang UPLIFT Committee upang talakayin ang karagdagang hakbang para maprotektahan ang ekonomiya laban sa epekto ng krisis sa Middle East.










