Pasok na sa second round ng Singapore Open, si Filipina tennis star Alexandra Eala, dahil apat lamang ang seeded players, nakakuha si Eala ng first-round bye at awtomatikong pasok sa second round o Round of 16. Haharapin niya ang mananalo sa laban nina Tatiana Prozorova ng Russia, at Sofia Costoulas ng Belgium.

Gaganapin ang Singapore Open mula Setyembre 21 hanggang 27 at ito ang kauna-unahang WTA 500 tournament sa Southeast Asia.

Matapos ang Singapore Open, tutungo naman si Eala sa Aichi-Nagoya, Japan, upang katawanin ang Pilipinas sa 2026 Asian Games

--Ads--