DAGUPAN CITY- Dapat na pagplanuhang mabuti ng pamahalaan ang kanilang hakbang na ₱20 bigas, lalo na at maraming mga hamon ang maaaring lumabas ukol dito.
Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Leonardo Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers at dating Kalihim ng Department of Agriculture, kung may kakayahan ang gobyerno, malaking tulong ito sa mga kababayan nating kapos.
Aniya, nagsimula na ito sa ilang bahagi ng Visayas at inaasahang ipapatupad sa buong bansa.
Paliwanag niya, malaki ang gastos kung ikukumpara sa kasalukuyang market price, kaya mahalagang planuhin ito nang maayos.
Dapat ding isaalang-alang ang cost of production at tiyaking hindi malulugi ang mga lokal na magsasaka.
Nilinaw din ng opisyal na hindi sakop ng programa ang imported rice ang ipapamahagi ay lokal na bigas, kaya mahalagang bigyang prayoridad ang mga lokal na magsasaka at palakasin ang lokal na produksyon.
Dapat din aniyang linawin sa ma mamamayan ang ilang mga alinlangan tulad ng kung aano katagal ito magtatagal, gaano karaming bigas ang maipapamahagi, at paano ito popondohan nang hindi malulugi ang pamahalaan.